Mas mababang taripa sa bigas, mais at karne, ‘di na kailangan – Agri group                     

by Radyo La Verdad | January 5, 2023 (Thursday) | 3693

Panibagong isang taon ang ibinigay ng pamahalaan sa mga importer para maka-angkat ng bigas, mais at karne na mas mababang taripa ang ipapataw.

Base sa Executive Order number 10, magiging paraan ito para matiyak ang sapat na supply ng sa bansa na hindi masyadong tataas ang presyo.

Ayon kay Agriculture Usec. Mercedita Sombilla, bagama’t tumataas na ang produksyon ng pagkain sa bansa subalit hindi parin ito sapat gaya ng karne ng baboy.

“We recognize there has been increases in the production of pig of pork because of DA program ‘yung inspire yung repopulation niya but it is still not enough  to fill up the gap especially during holiday season,” ani Usec. Mercedita Sombilla, Department of Agriculture.

Pero ayon kay AGAP Partylist Pepresentative Nicanor Briones, hindi naman napababa ng importasyon ang presyo ng mga bilihin.

Malaki rin aniya ang nawawala sa gobyerno dahil sa pagpapataw ng mas mababang taripa.

“Bakit kailangang ibaba ang taripa kung saan nahihirapan ang ating magbababoy, kung saan ang ating gobyerno’y nawawalan ng kita na hindi bababa sa P10b a year na sana ay maitulong nila sa tinatamaan ng ASF, tinatamaan ng bird flu, tinatamaan ng kalamidad,” ani Nicanor Briones, AGAP Partylist.

Ayon kay Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor, apektado ng importasyon ang mga lokal na produksyon.

Sapat naman aniya ngayon ang supply gaya ng bigas kaya’t di na kailangang babaan ang taripa.

Una ng pinalawig ang kautusan noong kalagitnaan ng 2022 pero minarapat na ito na kasalukuyang administrasyon na palawigin pa hanggang sa katapusan ng 2023.

“Masyado pong nasasaktan yung ating mga magsasaka in terms of reduced prices for their products at nadi-discourage po sila na ipagpatuloy yung kanilang pagsasaka,” pahayag ni Leonardo Montemayor, Chairman, Federation of Free Farmers.

Rey Pelayo | UNTV News

Tags: ,