Pagbaba ng presyo ng langis, inaasahan ngayong linggo

by monaliza | March 16, 2015 (Monday) | 1566

GASROLLBACK 031615

Inaasahan ang pagtapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo anumang araw ngayong linggo.

Tinatayang papalo sa P0.75 hanggang P0.95 ang bawas presyo sa kada litro ng diesel habang P0.40 hanggang P0.60 naman ang bawas presyo sa kada litro ng gasolina.

Mas malaki naman ang tapyas sa kada litro ng kerosene na aabot sa P1.00 hanggang P1.20.

Ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin sa bumabang presyo nito sa world market.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , ,