Featured

Japanese mobile app, magbibigay ng libreng kape sa mga driver na hindi gagamit ng kanilang phone habang nagmamaneho

Mabibigyan ng libreng kape ang mga driver na hindi gagamit ng kanilang mobile phone habang sila ay nagmamaneho sa tulong ng inilabas na Japanese app na “Driving Barista”. Ang naturang app ay nabuo sa pamamagitan ng collaboration ng Toyota, Komeda ...

September 28, 2016 (Wednesday)

Isang residente sa Utah, nakatanggap ng package na may lamang langgam

Isang residente sa Utah na kinilala lamang sa Reddit username nito na Dropped-D ang nag-post ng litrato ng isang brown envelope na ipinadala sa kanya. Ikinagulat ng nakatanggap ang package dahil naipadala ito sa maling address. Pero ang mas nakakagulat, ...

September 26, 2016 (Monday)

Bangkay ng isang pusa, ginamit ng isang taxidermist upang gumawa ng handbag

Gumawa ng isang handbag mula sa balahibo ng isang patay na pusa ang taxidermist na si Clare Hobbs mula sa Christchurch, New Zealand. Pero umani ang handbag ng magkakaibang reaksyon mula sa mga netizen dahil sa ikinabit ni Claire bilang ...

September 26, 2016 (Monday)

Umano’y “binary bandits”, ninanakaw ang house numbers na nakalagay sa facade ng mga bahay sa Philadelphia

Isang kakaibang pattern ng krimen ang nangyayari sa Kensington, Philadelphia sa nakalipas na dalawang linggo. Imbes na manloob sa mga bahay upang magnakaw ng mga gamit, ninanakaw ng mga suspek ang house numbers na nakakabit sa facade ng mga bahay ...

September 22, 2016 (Thursday)

“Kello” alarm clock, makatutulong na ma-improve ang tulog ng user

Nakatakadang ilabas sa March 2017 ang “Kello” alarm clock na magagamit hindi lang para magising ng maaga ang user kundi makatutulong rin na ma-improve ang sleep pattern nito. Ayon sa mga developer, may ilang sleep programs ang alarm clock na ...

September 22, 2016 (Thursday)

Anak ng isang Chinese billionaire, ibinili ng walong iPhone 7 ang kanyang alagang aso

Bumili ng walong iPhone 7 ang anak na lalake ng isang Chinese businessman hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang alagang aso na si Coco. Inilabas ng rich kid na si Wang Sicong ang litrato sa verified Weibo ...

September 21, 2016 (Wednesday)

Rock band member, mapipilitang umupo sa local council matapos aksidenteng manalo sa isang local election sa Norway

Mapipilitang dumalo sa mga council meeting si Gylve Nagell, miyembro ng rock band na Darkthrone, matapos itong aksidenteng manalo sa isang local council election sa Kolbotn (kol-bot), Oppegard, Norway. Ikinagulat ni Nagell ang pagka-panalo at sinabing pumayag lang siyang tumakbo ...

September 19, 2016 (Monday)

Gintong toilet bowl, magagamit ng mga bibisita sa isang museum sa New York

Isang gintong toilet bowl ang ini-install ng artist at sculptor na si Maurizio Cattelan sa isang banyo ng Guggenheim Museum sa New York City. Batay sa anunsyo ng museum, hindi lang pang-display ang 18-karat gold toilet dahil papayagan ang mga ...

September 16, 2016 (Friday)

“Power Capsule” charging case, inilunsad para sa wireless headphones

Ilalabas sa susunod na linggo ng kompanyang Morphie ang charging case na “Power Capsule” na nilikha upang magsilbing lalagyan at charger ng mga wireless headphones. Ayon sa kompanya, nasa 1,400 milliampere-hour ang battery ng “Power Capsule” na kayang magbigay ng ...

September 14, 2016 (Wednesday)

Babae sa Australia, nagbayad ng 372 dollars para sa surgery ng kanyang alagang goldfish

Nagbayad ng 372 dollars o mahigit 17 thousand pesos ang isang babaeng Australian na si Emma Marsh para sa surgery ng kanyang alagang goldfish. Nakalunok kasi ng isang maliit na bato ang alaga nitong goldfish na pinangalanan niyang “Conquer.” Nasagip ...

September 14, 2016 (Wednesday)

Isang museum sa India, ipararanas sa mga turista ang buhay ng isang preso sa loob ng isang araw

Maaari nang maranasan ng isang turista kung paano mabuhay gaya ng isang preso sa loob ng isang araw sa pamamagitan ng “Feel the Jail” program ng Telangana Jail museum sa India. Ayon kay Deputy Superintendent of Police Lakshmi Narasimha, naisip ...

September 13, 2016 (Tuesday)

Wi-Fi system na tatlong beses na mas mabilis, dinevelop sa M-I-T

Dinevelop ng mga researchers sa Massachusetts Institute of Technology ang isang wi-fi system na tatlong beses na mas mabilis kaysa wi-fi na ginagamit ngayon. Tinawag ang wi-fi system na Mega-MIMO 2.0, na layong mas pabilisin ang internet sa mga matataong ...

August 26, 2016 (Friday)

Buwaya, nahuli ng mga pulis matapos rumesponde sa sumbong ng panloloob sa isang bahay sa New York

Rumesponde ang New York Police Department sa isang tawag sa 911 na nagsumbong ng panloloob sa isang bahay sa Bush Avenue, Staten Island. Naabutan ng mga pulis na bukas ang back door ng naturang bahay pero laking gulat na lang ...

August 26, 2016 (Friday)

Wireless speaker na makokontrol gamit ang boses ng user, ilalabas ngayong taon

Ilalabas ngayong taon ng French startup na Whyd ang isang wireless speaker na maaaring makontrol ng user gamit ang kanyang boses. Sa tulong ng limang microphone na nasa loob ng speaker, maaaring pumili ang user ng kanta, maghanap ng mga ...

August 23, 2016 (Tuesday)

Bar sa England, hinaharang ang signal ng cellphone upang maisulong ang face-to-face communication sa kanilang mga customer

Isang signal blocker ang inilagay ng bar owner na si Steve Tyler sa kanyang bar na “Gin Tub” upang hindi magkaroon ng access sa social media ang mga customer na pumapasok sa pub. Ayon kay Tyler, layon ng pagba-block na ...

August 8, 2016 (Monday)

Park kung saan malayang makapagpapalipad ng mga drone, binuksan sa Seoul South Korea

Binuksan ng Seoul Metropolitan Government sa South Korea noong ang 27 thousand square meter-drone park malapit sa Han river. Dito maaaring makapagpalipad ng mga drone na may timbang na labindalawang kilo pababa at hindi tataas ang lipad sa 150-meters. Ayon ...

June 28, 2016 (Tuesday)

“The floating piers”, binuksan sa Italy

Binuksan noong Sabado sa ibabaw ng Lake Iseo Italy ang “the floating piers” ni Bulgarian-Born US Artist Christo Vladimirov Javacheff. Maaaring makapaglakad nang libre sa ibabaw ng lake sa pamamagitan ng 220,000 high density polyethylene cubes. Ayon sa mga local ...

June 28, 2016 (Tuesday)

Tibay ng glass bottom bridge sa China, sinubukan

Nasa 20 tao ang sumubok sa safety ng glass bottom bridge na nasa taas na 300 metro mula sa Zhangjiajie Grand Canyon ng Central Hunan Province sa China. Pinagpupukpok nila ng mga maso ang tulay at saka ito dinaanan ng ...

June 28, 2016 (Tuesday)